09 | Pagpapatawad

Layunin ng Sesyon:

Upang matutunan ang kahalagahan ng pagpapatawad sa iba sa pagpapanatili ng mga relasyon.

Connect

Ibahagi sa grupo ang tungkol sa pinakamalaking halagang hiniram sa’yo ng isang tao na hindi pa nabayaran, at kung ano ang nararamdaman mo tungkol dito ngayon.

Affirm

ANG SALITA

Pag-aralan ang sumusunod na mga talata at tuklasin ang mga dahilan kung bakit kailangan nating magpatawad sa iba.

1. “At itiningin ni Jacob ang kaniyang mga mata at tumingin, at, narito, si Esau ay dumarating, at kasama niya’y apat na raang tao. At kaniyang binahagi ang mga bata kay Lea at kay Raquel, at sa dalawang alilang babae. At inilagay niya ang mga alila na kasama ng kanilang mga anak na pinakapanguna, at si Lea na kasama ng kaniyang mga anak na pinakapangalawa, at si Raquel at si Jose na pinakahuli. At siya naman ay lumagpas sa unahan nila, at yumukod sa lupa na makapito, hanggang sa nalapit sa kaniyang kapatid.

“At tumakbo si Esau na sinalubong siya, at niyakap siya at niyapos siya sa leeg, at hinagkan siya: at nagiyakan.” – Genesis 33:1-4

Ang pagpapatawad ay nagpapanumbalik ng ____________________________________________.
Ang kuwento nina Jacob at Esau ay isang sikat na kwento ng hidwaang magkapatid. Hinangad ni Jacob para sa kanyang sarili ang pagkapanganay ni Esau sa pamamagitan ng isang mapanlinlang na plano na napalala pa dahil ang kanilang ina ay sangkot. Bilang resulta, kailangan niyang tumakas mula sa mapanakot na galit na sumapi sa kanyang kapatid.

Matapos ang ilang dekada ng pagkakahiwalay, nakakaantig ng damdamin na makita silang magkayakap at umiiyak, pinakawalan sa kanilang mga puso ang mga kasalanan at sakit ng nakaraan.

Ang pagpapatawad ay kailangan upang magpatuloy lahat ng relasyon o manumbalik tulad ng nangyari kina Jacob at Esau. Kung hindi tayo magbibigay ng puwang para sa kapatawaran, ang anumang relasyon, bago pa man ito magsimula ay wala nang pag-asa, dahil ang mga pagkakamali ay maaaring mangyari sa hinaharap. Dahil hindi tayo perpekto, hindi natin maipapangako sa ating sarili at sa iba na hindi tayo magkakamali.

Sa paglipas ng panahon, ang ating mga relasyon ay nasusubok ng mga pagkakamali at pagkukulang, at dito pumapasok ang biyaya ng pagpapatawad. Hinayahaan nitong maghilom ang mga sugat at sakit. Binibigyan nito ang taong nagkamali ng pangalawa, pangatlo at marahil pitumpu’t pitong pagkakataon na umunlad.

“Ang isang tao ay nagpapatawad sa antas na siya ay nagmamahal.” – La Rochefaucould

2. “At ganitong paraan gagawin mo: tatlong daang siko ang haba ng sasakyan, limang pung siko ang luwang, at tatlong pung siko ang taas.” – Mateo 6:15

Ito ay isang ______________________________________________________________________.
Dapat tayong magpatawad dahil tayo ay pinatawad sa mas malaking antas ng Diyos. Utos ng Diyos na tayo ay magpatawad. Hindi natin prerogatibo kung magpapatawad tayo o hindi. Nagkakasala tayo kung hindi tayo nagpapatawad. Maaaring hindi dumating kaagad ang pagpapatawad, at na ito ay isang proseso, ngunit dapat tayong magpatawad. Sa huli, ang pagpapatawad ay isang espirituwal na isyu sa pagitan natin at ng Diyos.

3. “At nang makita ng mga kapatid ni Jose, na ang kanilang ama’y namatay, ay kanilang sinabi, Marahil si Jose ay mapopoot sa atin, at lubos na gagantihin sa atin ang buong kasamaan na ating ginawa sa kaniya. At ipinasabi nila kay Jose, Iniutos ng iyong ama bago namatay, na sinasabi, Ganito sasabihin ninyo kay Jose. Ipatawad mo, isinasamo ko sa iyo ngayon, ang pagsalangsang ng iyong mga kapatid, at ang kanilang kasalanan; at ngayon, ay aming isinasamo sa iyo, na ipatawad mo ang mga pagsalangsang ng mga lingkod ng Dios ng iyong ama. At si Jose ay umiyak ng kanilang salitain sa kaniya. At naparoon ang kaniyang mga kapatid naman at nagpatirapa sa harap niya; at kanilang sinabi, Narito, kaming iyong mga lingkod.

At sinabi ni Jose sa kanila, Huwag kayong matakot, sapagka’t nasa kalagayan ba ako ng  Dios? At tungkol sa inyo ay inyong ipinalagay na kasamaan laban sa akin; nguni’t ipinalagay ng Dios na kabutihan upang mangyari ang gaya sa araw na ito, na iligtas ang buhay ng maraming tao. Kaya nga huwag kayong matakot: aking pakakanin kayo at ang inyong mga bata. At kaniyang inaliw sila at kaniyang pinagsalitaan sila na may kagandahang loob.bout this present result, to preserve many people alive. So therefore, do not be afraid; I will provide for you and your little ones. So he comforted them and spoke kindly to them.” – Genesis 50:15-21

Nakakatulong ang pagpapatawad na mabawi ang iyong _______________________________ sa pamamagitan ng pag-aalis ng _________________________________________ at sa pamamagitan ng ____________________________________.
Kung ang puso ay puno ng poot, paano ito magtataglay ng biyaya ng Diyos? Paano makakatanggap ng pag-ibig ng Diyos ang isang kamay na mahigpit na nakakuyom sa sama ng loob?

Nagpapatawad tayo para sa ating sariling kapakanan – upang mapalaya ang ating sarili mula sa hinanakit at mabawi ang saya at kagandahan ng buhay. Ang poot ay parang asido na patuloy na sumisira sa ating kalooban.

“Kapag ako ay tunay na nagpapatawad, pinapalaya ko ang isang bilanggo at ang bilanggong iyon ay ako.” – Lewis Smedes

Sa CARE Group, ang mga miyembro, sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, ay tinuturuan na magpatawad sa mga nakasakit sa kanila at nakagawa sa kanila maging ng mga maling hindi na maitatama upang ang kanilang espirituwal na kalagayan ay umunlad at sila ay mamuhay nang buo at masaya.

Hindi na natin kailangang hintayin na humingi ng tawad ang nagkasala sa atin. Madalas ay hindi rin ito nangyayari. Dapat nating matanto na ang pagpapatawad ay hindi nakadepende sa kanilang pagsisisi. Sa halip, ito ay batay sa mapagpatawad na pag-ibig ng Diyos na Kanyang ipinagkakaloob sa atin araw-araw. Pinatatawad Niya tayo, at kaya din dapat nating magpatawad.

Ang pagpapatawad, kung gayon, ay hindi lamang natin ginagawa sa tuwing may nakakasakit sa atin, ngunit isang pangkalahatang pananaw sa buhay. Ito ay ang desisyon na mamuhay sa mas maaraw na bahagi ng buhay, at hindi magtanim ng anumang kapaitan at malisya sa kung sino man.

 

ANG BUHAY

Magbahagi ng karanasan kung saan ikaw ay tumanggap sa kapatawaran ng isang tao. Ibahagi rin ang iyong naramdaman at naranasan bago ka pinatawad at kung ano ang nangyari pagkatapos mong mapatawad.

Respond

Tumukoy ng isang tao na kailangan mong patawarin. Maaaring hindi alam ng taong ito ang iyong isyu sa kanya. Pagkatapos ay magplano kung paano mo ipapaalam sa kanya ang iyong pagtanggap, pagpapatawad at pagmamahal.

Mga planong aksyon: __________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________

Exalt

SA PAMAMAGITAN NG AWIT

Spirit Song

Oh let the Son of God enfold You
With His Spirit and His love
Let Him fill your heart and satisfy your soul
Oh let Him have those things that hold you
And His Spirit like a dove will descend
upon your life and make you whole

Refrain:
Jesus, oh Jesus, Come and fill Your lambs
Jesus, oh Jesus, Come and fill Your lambs

Oh come and sing this song with gladness
As your hearts are filled with joy derto is name
Lift your hands in sweet surrender to His name
Oh give Him all your tears of sadness
Give Him all your years of pain
And you’ll enter into life in Jesus’ name

 

SA PAMAMAGITAN NG PANALANGIN

Magpasalamat sa Diyos na lagi kang Niyang pinapatawad sa iyong mga kasalanan. Hilingin sa Kanya na bigyan ka ng mapagpatawad na puso, at patawarin ka kung kung dati ay nagtatanim ka ng sama ng loob. Hilingin rin sa Kanya na tulungan kang tunay na magpatawad hindi lamang sa iba kundi pati na rin sa iyong.