08 | Komitment

Layunin ng Sesyon:

Upang maunawaan kung gaano kahalaga ang komitment sa bawat relasyon at magresulta sa mas dedikadong pakikisangkot sa kanilang CARE Group.

Connect

Tanungin ang bawat miyembro kung anong mga bagay o larawan ang naiisip nila kapag narinig nila ang salitang komitment.

Affirm

ANG SALITA

Tuklasin ang iba’t ibang aspeto ng komitment na nakapaloob sa bawat talata ng Bibliya at isulat ang mga ito sa mga puwang.

1. “Sa mga kaawaan nga ng Panginoon ay hindi tayo nalipol, sapagka’t ang kaniyang mga habag ay hindi nauubos. Ang mga yao’y bago tuwing umaga, dakila ang inyong pagtatapat.” – Panaghoy 3:22-23

Ito ay ______________________________________________________________________.
Ang komitment ay hindi kailangang dumaan sa malaking pagsubok para patunayan ang sarili. Ito ay mas madalas na napapatunayan sa patuloy na pagganap maging sa mga pinakamaliit na tungkulin. Ang ilan na maaaring magbitiw ng malalaking pangako sa panahon na sila’y emosyonal ay maaaring hindi rin pala kayang tuparin ang kanilang mga pangako. Ito ang kaso ng marami na nangako ng kanilang pagmamahal. Walang kuwestiyon sa kanilang sinseridad sa panahong nangako sila ng walang hanggang pag-ibig sa isa’t isa. Ang tanging tanong ay kung kaya nilang tuparin ang kanilang pangako sa paglipas ng panahon.

Ang pinakamahusay na demonstrasyon ng ganitong uri ng pag-ibig ay ang Diyos. Araw-araw ay pinasisikat Niya ang araw sa silangan, ipinadadala ang ulan, nagbibigay ng hangin para malanghap ng lahat ng nilalang, at nagpapalago ng mga halaman. Ang gayong simple at madalas ay hindi napapansing mga bagay ay ang mismong katibayan ng Kanyang maibiging-kabaitan. Kung wala ito, hindi magpapatuloy ang buhay.

“Ang komitment ay kasing simple ng pagbibigay at pagtupad sa iyong pangako, paggawa sa abot ng iyong makakaya. Ang komitment ay paggawa ng sinabi mong gagawin mo kahit na wala kang gana.” – Peter L. Hirsch

2. “At sinabi ni Ruth, Huwag mong ipamanhik na kita’y iwan, at bumalik na humiwalay sa iyo; sapagka’t kung saan ka pumaroon, ay paroroon ako: at kung saan ka tumigil, ay titigil ako: ang iyong bayan ay magiging aking bayan, at ang iyong Dios ay aking Dios.” – Ruth 1:16

Ito ay pananatili ___________________________________________________________.
Ang mga salitang matatagpuan sa Ruth 1:16 ay isa sa mga pinakamagandang pagpapahayag ng komitment sa Bibliya. Ito’y laging nakapagpapaantig sa ating puso at nakapagpapahanga sa atin kay Ruth. Hindi niya iniwan ang kanyang biyudang biyenan kahit na wala siyang anumang makukuha. Wala nang anak si Naomi na pwedeng mapangasawa ni Ruth at tutustos sa kanilang mga pangangailangan. Ngunit dahil nanatili si Ruth, ang kanyang kuwento ay napanatiling-buhay bilang isa sa mga pinakamakabagbag-pusong kwento ng komitment.

Ang isang karaniwang halimbawa ng komitment ay ang kasal. Gustung-gusto nating marinig ang mga salitang: “Sa hirap at ginhawa, sa sakit at kalusugan, hanggang kamatayan.” Ito ang komitment – ang manatiling matatag kahit mahirap, ang manatiling magkasama at harapin ang mga unos ng buhay. Ang pagtakas kapag mahirap na ay hindi lamang tanda ng kakulangan sa komitment kundi pati na rin ng pagiging bata.

Ang anumang relasyon ay kasing tibay lamang ng komitment ng mga taong kabilang dito. Totoo ito maging sa kasal, care group, pamilya, organisasyon, at iba pa. Kapag nawala ang komitment, ang relasyon ay namamatay.

3. “Datapuwa’t ipinagtatagubilin ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo’y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin.” – Roma 5:8

Kasama ng komitment ang ______________________________________________.
Kapag may nagkulang, marami ang tatalikod na lamang at mangangatuwiran na dahil hindi nagagampanan ng isa ang kanilang bahagi, malaya na rin silang hindi tuparin ang kanila. Hindi natin sila hinuhusgahan. Marahil ay naabot na ang limitasyon ng kanilang pagtitiis, ngunit hindi natin maiwasang humanga sa mga patuloy na nagtitiyaga. Iniisip natin kung saan nila kinukuha ang lakas upang magtitiis at magpatuloy.

Ang Diyos ang pangunahing halimbawa ng ganitong uri ng komitment. Hindi Niya tayo pababayaan. Hindi Niya tayo pababayaan kahit pa patuloy tayong nagkakasala, at maaari lamang nating ipagpasalamat iyon nang walang hanggan.

Sa komitment, kailangang handa kang punan ang mga bagay kung saan ang iba ay nagkulang. Ibig sabihin nito ay handa kang magsumikap nang higit pa at ibigay ang sarili upang panatilihing buo ang relasyon.

4. “At nangyari ng kinabukasan, na sinabi ni Moises sa bayan, Kayo’y nagkasala ng malaking kasalanan: at ngayo’y sasampahin ko ang Panginoon; marahil ay aking matutubos ang inyong kasalanan. At bumalik si Moises sa Panginoon, at nagsabi, Oh, ang bayang ito’y nagkasala ng malaking kasalanan, at gumawa sila ng mga dios na ginto. Gayon ma’y ngayon, kung iyong ipatatawad ang kanilang kasalanan; at kung hindi, ay alisin mo ako, isinasamo ko sa iyo, sa iyong aklat na sinulat mo.'” – Exodo 32:30-32

Ang ibig sabihin ng totoong komitment _________________________________.
Isa sa mga pinakatunay na pangsubok ng komitment ay ang ating kahandaang isakripisyo ang ating mga personal na interes, mga pakinabang, at maging ang ating sarili. Madaling manatili sa isang kasunduan kung napakaliit ng mamawala sayo. Pero kapag ang pag-ibig ay nangangahulugang sakit at hindi pagkakaunawaan, kaya pa rin ba nating magpatuloy?

Ginawa ito ng Diyos. Nang ang tao ay sumuway sa Kanya at nahulog sa kasalanan, maaari sana Niyang lipulin ang tao o iwanan siya magpakailanman, at walang sinuman ang kukwestiyon sa Kanya para doon. Ngunit may ginawa Siyang napakaganda. Ipinakita Niya sa atin kung ano ang ibig sabihin ng banal na komitment. Pinanatili Niya ang Kanyang pagtitiyaga sa tao kahit na nagdudulot ito sa Kanya ng sakit at sa huli ay kamatayan sa krus. Pinili Niyang magtiyaga sa tao kahit na nagdulot ito sa Kanya ng sakit at sa huli ay kamatayan sa krus.

 

ANG BUHAY

Magbahagi ng karanasan kung saan nabigo ka sa isang binitiwang pangako. Ano ang naramdaman ng mga umaasa sa iyo?

_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________

Respond

Ano ang mga bagay na nais mong i-pangako sa iyong CARE Group? Isulat ang mga ito:

_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________

Exalt

SA PAMAMAGITAN NG AWIT

I‘m Going to Live

There’ve been times when giving and loving brought pain
And I promise I would never let it happen again
But I found out that loving is well worth the risk
And that even in losing you win

Refrain:
I’m going to live the way He wants me to live
I’m going to give ’till there’s just no more to give
I’m going to love, love ’till there’s just no more love
But I could never, never out-love the Lord.

 

SA PAMAMAGITAN NG PANALANGIN

Pasalamatan mo ang Diyos dahil patuloy ka Niyang iniibig kahit na maraming beses mo Siyang binigo at tinanggihan. Ipagdasal na bigyan ka ng Diyos ng lakas upang maging manatili sa iyong relasyon sa Kanya at sa iba pang mahahalagang tao sa iyong buhay at sa CARE Group kung saan ka nabibilang.