07 | Apirmasyon

Layunin ng Sesyon:

Upang lumikha ng ugali ng pagpapatibay sa lahat ng tao, lalo na sa mga malalapit sa atin.

Connect

Magbahagi ng magandang katangian na karaniwang napapansin at nagugustuhan ng mga tao tungkol sa iyo.

Affirm

ANG SALITA

1. Basahin ang Awit ni Solomon 4:1-7, at isulat ang ilan sa mga bagay na pinahahalagahan ng hari sa kanyang minamahal.

“Kay ganda mo, aking mahal,
Ang mata mo’y mapupungay!
Ang buhok mong anong haba,
Pagkilos mo’y nagsasayaw
Parang kawan na naglalaro sa bundok ng Gilead.

 

“Ang ngipin mo ay simputi
Nitong tupang bagong linis,
Walang bungi kahit isa,
Maganda ang pagkaparis.

 

“Ang labi mo’y pulang-pula katulad ng escarlata,
Kapag ika’y nangungusap lalo itong gumaganda
Aninag sa iyong belo ang pisngi mong namumula.

 

“Parang usang magkaparis ang malusog na dibdib mo,
Masayang kumakain sa gitna ng mga liryo
Kay ganda mo, aking sinta; kay ganda mo, aking mahal.
Wala akong maipintas sa taglay mong kagandahan.”

Mata, Buhok, Ngipin, Labi, Bibig, Leeg, Dibdib

 

2. Ano ang mga pagpapala ng pagpapahalaga?

a. Ito ay nagpapahayag ng halaga at apirmasyon
Kapag kinalulugudan mo ang isang tao, ibig sabihin mahalaga siya sa iyo. Wala nang higit na nagpapatibay sa isang tao kaysa sa mapagtanto na siya ay mahalaga.

b. Inilalabas nito ang pinakamabuti sa isang tao
Nagbibigay ito ng kumpiyansa sa mga tao na dahilan kung bakit mas naisasagawa nila ang kanilang tungkulin ng mas mahusay.

c. Ang pagkakaroon ng ugali ng pagpapahalaga ay nagbabago sa mismong taong nagbibigay nito

“Kapag hinanap mo ang pinakamabuti sa iba, matutuklasan mo ang pinakamabuti sa iyong sarili.” – Martin Walsh

 

ANG BUHAY

Hilingin sa bawat miyembro na isulat ang kanyang buong pangalan sa itaas ng kahon sa dulo ng gabay sa talakayang ito. Ipasa ang papel at hayaan ang bawat miyembro na magsulat ng isang bagay na kanilang kinaluluguran sa miyembro na may-ari ng papel. Maaaring ito ay isang katangian ng karakter o isang partikular na gawain.

Kapag tapos na ang lahat sa pagsusulat, ibalik ang papel sa may-ari. Hilingin sa kanila na ibahagi kung ano ang pinakagusto nila tungkol sa mga bagay na isinulat tungkol sa kanila.

Pangalan: ____________________________________________

1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

Respond

Tumukoy ng isang tao na hindi mo nabibigyan ng apresasyon. Isulat ang iyong plano na makipag-ugnayan sa taong iyon sa linggong ito.

Pangalan ng Tao: ___________________________________________________________

Ang Aking Plano ng Pagpapahalaga: ___________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________

Exalt

SA PAMAMAGITAN NG AWIT

There’s a Dark and Troubled Side of Life

There’s a dark and troubled side of life;
There’s a bright and sunny side too;
Th ơ ‘ we meet with the darkness and strife,
The sunny side we also may view

Refrain:
Keep on the sunny side, Always on the sunny side,
Keep on the sunny side of life.
It will helps us everyday, It will brighten all the way,
If we keep on the sunny side of life.

Tho’ the storm in its furry breaks today;
Crushing hopes that we cherished so dear;
Storm and cloud will in me pass away,
The sun again will shine bright and clear.

 

SA PAMAMAGITAN NG PANALANGIN

Manalangin na maging mas mapagpahalaga sa mga taong nasa paligid mo at sa buhay sa pangkalahatan. Ipagdasal din ang mga resolusyon ng mga miyembro ng iyong grupo.