05 | Pagmulat sa Buhay

Layunin ng Sesyon:

Upang ipagdiwang ang bagong buhay sa pamamagitan ng pagiging bahagi ng isang komunidad ng mga mapagpasalamat na mga anak ng Ama.

Connect

1. Kailan mo nararamdaman na ikaw ay pinakabuhay?

2. Anong mga pagbabago ang nakita mo sa iyong sarili sa proseso ng pagbabalik sa Diyos? Anong pang mga pagbabago ang inaasahan mong makita sa hinaharap?

Affirm

ANG SALITA

Basahin ang Lucas 15:22–24. Nabasa mo na ang mga talatang ito, ngunit sa pagkakataong ito pagtuunan ang rason na ibinigay ng ama para sa pagdiriwang sa ika-24 na bersikulo. (Basahin din ang ika-32 na bersikulo.)

1. Sa anong paraan naging “patay” at “nawawala” ang anak? Sa anong paraan siya ngayon “buhay” at “natagpuan”?

2. Masasabi mo bang ang mga paghahambing na ito (nabuhay pagkatapos mamatay, natagpuan matapos mawala) ay angkop upang ilarawan ang mga pagbabago sa atin kapag natagpuan natin ang ating daan pabalik sa Diyos? Ibigay ang iyong mga dahilan.

Alam mo ang daan at ang tahanan ay kung saan palagi mong nararamdaman na ikaw ay kabilang. Maging handa sa mga darating na taon para sa isang buhay na higit pa sa iyong naiisip na posible nang mag-u-turn ka at humingi ng tulong mula sa Diyos. Ang pagmulat sa buhay ay nagdadala ng hindi inaasahang impluwensya at oportunidad. Paanong nangyari ‘to? Ito ay dahil si Hesus ay buhay sa iyo at iyon ang nagbabago sa lahat. Ngayon, maaari mong dalhin ang pagmamahal kung saan may poot. Maaari mong dalhin ang layunin kung saan may kalituhan. Maaari kang magdala ng pag-asa kung saan may pagkasawi. Kaya’t hanapin ang iyong lugar sa komunidad ng iba pang mapagpasalamat na mga anak ng Ama. Kumonekta sa kanila, matuto sa kanila at makipagtulungan sa kanila upang makagawa ng pagbabago para sa kabutihan sa tahanan, eskwelahan, trabaho, at mga komunidad. At sama-sama, patuloy nating tulungan ang iba na mahanap ang kanilang daan pabalik sa Diyos. Doon naghihintay ang tunay na pagdiriwang.

 

ANG BUHAY

1. Regular ka bang sumasamba bilang bahagi ng isang pamilya ng iglesya? Kung oo, ilarawan ang pagsamba sa iyong simbahan. Paano ito nakakatulong sa iyong bagong buhay kasama ang Diyos? Kung hindi, ano ang kinakailangan upang makahanap ka ng simbahan at tuloy-tuloy na makilahok sa pagsamba?

2. Mayroon ka bang regular na oras para sa pagbabasa ng Bibliya, pagninilay-nilay, at pananalangin? Kung oo, ilarawan ang iyong pribadong debosyonal. Paano ito nakakatulong sa iyong bagong buhay kasama ang Diyos? Kung hindi, paano mo masisimulan ang kagawiang ito sa iyong buhay?

3. Bahagi ka ba ng isang grupo ng mga tao na gustong mamuhay sa pag-ibig ng Diyos at nagkikita-kita nang regular? Kung oo, ilarawan ang iyong grupo at kung paano ito gumagana. Kung hindi, paano ka makakahanap ng grupo na akma sa iyong mga pangangailangan sa panahong ito ng iyong buhay?

4. Nakikibahagi ka ba sa mga ministeryo o paglilingkod (kahit gaano kasimple) na naglalayong pagpalain ang iba? Kung oo, ipaliwanag ang ministeryong ito. Paano ito nakakatulong sa iyong bagong buhay kasama ang Diyos? Kung hindi, anong uri ng ministeryo ang sa tingin mo ay hinanda ka ng Diyos na makilahok upang maipadama ang kanyang pagpapala sa buhay ng iba?

Respond

Basahin ang sumusunod na mga talata mula sa Biblia at salungguhitan ang isa o higit pang mga linya na pinakamahalaga sa iyo.

Kung kayo nga’y muling binuhay na kalakip ni Cristo, ay hanapin ninyo ang mga bagay na nangasa itaas, na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Dios. Ilagak ninyo ang inyong pagiisip sa mga bagay na nangasa itaas, huwag sa mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa. Sapagka’t kayo’y nangamatay na, at ang inyong buhay ay natatagong kasama ni Cristo sa Dios. Pagka si Cristo na ating buhay ay mahayag, ay mahahayag nga rin kayo na kasama niya sa kaluwalhatian. – Colosas 3:1-4

Pag-isipang muli ang iyong mga sagot sa 6–9. Ang mga tanong na ito ay tumutukoy sa apat na pangunahin at praktikal na paraan kung paano mamuhay kay Cristo: pagsamba, pribadong debosyon, partisipasyon sa care group, at personal na ministeryo. Pumili ng kahit isang aspeto kung saan alam mong hindi mo ginagawa ang iyong makakaya, pagkatapos ay mag-isip ng isang hakbang na iyong gagawin upang isabuhay ang iyong bagong espirituwal na pagkakakilanlan.

______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Exalt

SA PAMAMAGITAN NG AWIT

I Have Decided to Follow Jesus

I have decided to follow Jesus;
I have decided to follow Jesus;
I have decided to follow Jesus;
No turning back, no turning back.

Tho’ none go with me, I still will follow,
Tho’ none go with me I still will follow,
Tho’ none go with me, I still will follow;
No turning back, no turning back.

My cross I’ll carry, till I see Jesus;
My cross I’ll carry till I see Jesus,
My cross I’ll carry till I see Jesus;
No turning back, No turning back.

The world behind me, the cross before me,
The world behind me, the cross before me;
The world behind me, the cross before me;
No turning back, no turning back.

 

SA PAMAMAGITAN NG PANALANGIN

Ipanalangin ito:
Diyos, kung Ikaw ay totoo, gawin Mong totoo ang Iyong sarili sa akin
Pukawin Mo sa akin ang pagtitiwala
na maaari akong magimula muli.

Pasalamatan mo ang Panginoon na inilapit ka Niya nang ikaw ay nakaramdam ng pagkakahiwalay mula sa Kanya. Hingin mo ang Kanyang tulong upang manatiling malapit sa Kanya sa buong buhay mo — hanggang sa walang hanggan!