05 | Komunikasyon

Layunin ng Sesyon:

Na matutunan ang mga prinsipyo ng mabuting komunikasyon upang ang mga miyembro ay makaranas ng mahusay na pakikisalamuha sa iba pang mga kasapi ng grupo at sa mga taong malapit sa kanila.

Connect

Tagubilin ng Lider: Gumuhit ng malaking tatsulok sa loob ng kahon. Gumuhit ng maliit na bilog sa tuktok ng tatsulok, isang bituin sa gitna, at isang maliit na parisukat sa magkabilang gilid.

Ihambing ang kanilang mga likha at pagnilay-nilayin kung bakit may mga pagkakaiba kahit pareho ang mga tagubilin.

Affirm

ANG SALITA

Tuklasin ang mga hadlang sa komunikasyong interpersonal sa mga binigay na pahayag at isulat ang mga ito sa mga puwang.

1. At tinawag ng Panginoong Dios ang lalake at sa kaniya’y sinabi, Saan ka naroon? At sinabi niya, Narinig ko ang iyong tinig sa halamanan, at ako’y natakot, sapagka’t ako’y hubad; at ako’y nagtago. At sinabi niya, Sinong nagsabi sa iyong ikaw ay hubad? nakakain ka ba ng bunga ng punong kahoy, na iniutos ko sa iyong huwag mong kanin? At sinabi ng lalake, Ang babaing ibinigay mong aking kasamahin, ay siyang nagbigay sa akin ng bunga ng punong kahoy at aking kinain..” — Genesis 3:9-12

______________________________________________________________________________

Ang usapan ay palaging nagbibigay kahulugan sa relasyon ng dalawa o higit pang mga tao. Ang kalidad ng usapan ay nakasalalay sa uri ng relasyon na umiiral sa pagitan ng dalawa..” —Bruce Larson

“…kapag ang relasyon ay nagkakasundo at may pagkakaisa, halos posibleng mag-usap kahit walang salita. Kung may tiwala at magandang pakiramdam, hindi natin kailangang ‘bantayan ang ating mga salita’. Ngumiti man o hindi ay maaari pa rin tayong magpahayag nang may kahulugan at makamit ang pag-unawa. Kapag ang relasyon ay hindi matatag, kahit isang kabanata ng mga salita ay hindi magiging sapat upang magpahayag nang may kubuluhan dahil ang kabuluhan ay hindi matatagpuan sa mga salita – ito ay matatagpuan sa mga tao.” — Stephen Covey

Kapag walang kabutihang loob sa pagitan ng mga partido, pareho silang nakikipag-usap nang may depensa. May mataas na pag-aalinlangan at pagdududa at maaaring maging manipulatibo ang mga salita, mapang-abuso at mapagmalabis. At sa huli mas maraming pinsala ang nagagawa kaysa sa kabutihan.

2. “At sinalitang gayon ni Moises sa mga anak ni Israel; datapuwa’t hindi sila nakinig kay Moises, dahil sa yamot, at dahil sa mabagsik na pagkaalipin.” —Exodo 6:9

______________________________________________________________________________

Dahil ang mga Israelita ay konsentrado sa kanilang sakit, hindi nila narinig ang mga salita ng kaligtasan mula kay Moises. Kapag nakikinig, siguraduhin na ang iyong atensyon ay hindi nakatuon sa iyong sarili kundi sa taong nagsasalita. Ilagay mo ang iyong sarili sa kalagayan ng ibang tao. Tingnan ang bagay mula sa kanyang kinatatayuan, at pakinggan mo siya kung paano niya gustong marinig at hindi kung paano mo siya gustong marinig.

“Ang ugat ng halos lahat ng problema ng mga tao ay ang suliranin sa komunikasyon – ang mga tao ay hindi nakikinig nang may malasakit. Nakikinig sila mula sa kanilang sariling talambuhay.” – Stephen Covey

3. “At nagtawa si Sara sa kaniyang sarili, na sinasabi, Pagkatapos na ako’y tumanda ay magtatamo ako ng kaligayahan, at matanda na rin pati ng panginoon ko? At sinabi ng Panginoon kay Abraham, Bakit tumawa si Sara, na sinasabi, Tunay kayang ako’y manganganak, na matanda na ako? May anomang bagay kayang napakahirap sa Panginoon? Sa tadhanang panahon ay babalik ako sa iyo, sa taong darating, at si Sara ay magkakaanak ng isang lalake. Nang magkagayo’y nagkaila si Sara, na sinasabi, Hindi ako tumawa, sapagka’t siya’y natakot. Nguni’t sinabi niya, Hindi gayon; kundi ikaw ay tumawa.” —Genesis 18: 12-15

______________________________________________________________________________

Kapag walang KATAPATAN, nasisira ang komunikasyon. Bakit ka makikipag-usap kung kasinungalingan lang ang maaasahan mo? Ang pagsisinungaling ay hindi lamang nanlilinlang ng ibang tao, lumilikha ito ng kawalan ng tiwala at sa huli ay sumisira sa mga relasyon.

4. “At sinagot ni Nabal ang mga lingkod ni David, at nagsabi, Sino si David? at sino ang anak ni Isai? maraming mga bataan ngayon sa mga araw na ito na nagsisilayas bawa’t isa sa kaniyang panginoon. Akin nga bang kukunin ang aking tinapay at ang aking tubig, at ang aking hayop na aking pinatay dahil sa aking mga manggugupit, at aking ibibigay sa mga tao na hindi ko nakikilala kung taga saan?’ ” — I Samuel 25:10-11

______________________________________________________________________________

Tiyak na ayaw pukawin ni Nabal ang nakamamatay na galit ni David, ngunit ito ang kanyang nagawa. Sana ay sinabihan na lamang niya ng “hindi” ang mga kawal ni David na humihingi ng ilang mga kalakal, ngunit pinagsabihan niya pa ang mga ito. Ito ay halos humantong sa masaker ng buong sambahayan niya. Madaming pagtatalo at sakit ang maaaring maiwasan kung ang komunikasyon ay mahinahon at may respeto.

 

ANG BUHAY

____________________________ Emosyonal na Katalinuhan                               ____________________________ Katapatan

____________________________ Pakikinig                                                                ____________________________ Kabaitan/Respeto

Respond

Sumulat ng malinaw na mga hakbang upang mapabuti ang mga kahinaan na iyong natukoy sa iyong paraan ng komunikasyon.

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Exalt

SA PAMAMAGITAN NG AWIT

If Any Little Word of Mine

If any little word of mine
May make a dark life brighter,
If any little song of mine
May make a sad heart lighter

Refrain:
God help me speak the helping word,
And sweeten it with singing,
And drop it in some lonely vale,
To set the echoes ringing

If any little lift of mine
May ease a toiler bending
God give me love and care and strength;
We live for Him by lending.

 

SA PAMAMAGITAN NG PANALANGIN

Ipanalangin na maisagawa ng iyong mga ka-miyembro ang mga prinsipyo ng mabuting komunikasyon at maging mabisang tagapagbalita ng ebanghelyo.