04 | Pagmulat sa Pag-ibig

Layunin ng Sesyon:

Upang piliing mabuhay nang buong tapang sa pag-ibig ng Diyos, at hindi hinahayaang alisin ng pagdududa at panghihina ng loob ang alam nating totoo.

Connect

1. Ikwento ang unang pagkakataon na nagkagusto ka sa isang tao. Paano mo ipinahayag ang iyong nararamdaman? Ano ang naging reaksyon ng taong yun?

2. Tukuyin ang isang pagkakataon kung kailan lubos mong nadama ang pagmamahal ng Diyos sa iyo. Ano ang iyong naging reaksyon?

Affirm

ANG SALITA

Basahin ang Lucas 15:20-24, ang bahagi ng kuwento ni Jesus kung saan ma-oobserbahan natin ang ang labis na pagpapahayag ng pagmamahal ng ama sa kanyang anak.

1. Tumukoy ng iba’t ibang palatandaan ng pagmamahal ng ama na makikita mo sa mga talatang ito.

2. Ano ang sinasabi sa iyo ng reaksyon ng ama sa kanyang anak tungkol sa saloobin ng Diyos sa iyo kapag nagsisi ka at bumalik sa Kanya?

Mararanasan natin ang makapangyarihang pag-ibig ng Diyos kapag bumabalik tayo sa ating Ama. Ang biyayang iniaalok Niya sa bawat isa sa atin ay hindi natin matatagpuan kahit saanman. Ito ay halos nakakagulat. Ito ay patuloy na kamangha-mangha. Ito ang tunay nating inaasam at tayo’y nilakha upang maranasan ito. Sa ating pagmulat sa pag-ibig ng Diyos, ang ilan sa mga bagay na tila imposible noon ay unti-unting naging posible. Nagiging posibleng magtiwala sa Diyos hindi lamang sa mga tagumpay kundi pati sa mga kabiguan ng buhay. Ang pagiging katulad ng kanyang Anak na si Hesus ay nagiging posible rin. At meron pa: Ang paniniwala sa Kanyang tapat na pagmamalasakit sa’tin at sa mga mahal natin ay lubos na makatwiran at nagbibigay sa atin ng kapayapaan. Ang malamang minamahal Niya hindi lamang tayo kundi ang lahat ng tao sa mundo ay mag-uudyok sa atin na ibahagi ang mabuting balita sa iba. Iyan ang hiwaga ng malalim na pag-ibig ng Diyos para sa iyo at sa akin. May kapangyarihan itong pagalingin tayo, baguhin tayo, bigyan tayo ng pag-asa, at hikayatin tayong maglingkod sa Kanya nang buong buhay natin. Kaya mula sa araw na ito, mamuhay tayo nang buong tapang sa Kanyang pag-ibig. Huwag hayaang alisin ng pagdududa at kahinaan ng loob ang alam nating totoo!

 

ANG BUHAY

1. Ibahagi ang pagkakataon na nanatili kang nahihiya at nakokonsensya kahit na alam mong ikaw ay pinatawad at tinanggap na ng Diyos. Paano ito nakaapekto sa iyong buhay?

2. Kung tayo ay lumapit sa Diyos nang may pagsisisi at tinanggap Niya tayo, paano natin matutulungan ang isa’t isa na matutong tanggapin ang ating bagong pagkakakilanlan bilang minamahal na mga anak ng Diyos?

3. Kapag natanggap na natin ang ating pagkakakilanlan bilang mga anak ng Diyos, ano ang ilang paraan kung saan maaaring maging iba at mas kasiya-siya ang ating buhay?

Respond

Basahin ang sumusunod na mga talata mula sa Biblia at salungguhitan ang isa o higit pang mga linya na pinakamahalaga sa iyo.

“Dahil dito ay iniluluhod ko ang aking mga tuhod sa Ama, Na sa kaniya’y kumukuha ng pangalan ang bawa’t sangbahayan sa langit at sa lupa, Upang sa inyo’y ipagkaloob niya, ayon sa mga kayamanan ng kaniyang kaluwalhatian, na kayo’y palakasin ng kapangyarihan sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu sa pagkataong loob; Na si Cristo ay manahan sa inyong mga puso sa pamamagitan ng pananampalataya; upang kung kayo’y magugat at magtumibay sa pagibig. Ay lumakas upang matalastas pati ng lahat ng mga banal kung ano ang luwang at ang haba at ang taas at lalim. At makilala ang pagibig ni Cristo na di masayod ng kaalaman, upang kayo’y mangapuspos hanggang sa buong kapuspusan ng Dios.” – Efeso 3:14–19

Anong mga sitwasyon ang nagbibigay-daan sa iyong pagdududa sa pag-ibig ng Diyos sa iyo?

______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Kapag dumating ang mga sitwasyong iyon, anong mga talata sa Biblia ang maaari mong gamitin upang maalala ang pag-ibig ng Diyos sa iyo?

1. ____________________________________
2. ____________________________________
3. ____________________________________
4. ____________________________________
5. ____________________________________

Exalt

SA PAMAMAGITAN NG AWIT

Jesus Loves Me

Jesus loves me, this I know,
for the Bible tells me so.
Little ones to him belong;
they are weak, but he is strong

Refrain:
Yes, Jesus loves me! Yes, Jesus loves me!
Yes, Jesus loves me! The Bible tells me so.

Jesus loves me he who died
heaven’s gate to open wide.
He will wash away my sin,
let his little child come in.

Jesus loves me, this I know,
as he loved so long ago,
taking children on his knee,
saying, “Let them come to me.”

 

SA PAMAMAGITAN NG PANALANGIN

Ipanalangin ito:
Diyos, kung Ikaw ay totoo, gawin Mong totoo ang Iyong sarili sa akin
Pukawin Mo sa akin ang kamalayan na ako ay Iyong anak
na minamahal Mo nang walang kundisyon.

Pasalamatan mo ang Diyos sa Kanyang pag-ibig at hilingin sa Kanya ang kakayahan, sa paglipas ng panahon, na mas maunawaan ang Kanyang pag-ibig at ang ating pagkakakilanlan sa Kanya.