04 | Mga Papel at mga Ekspektasyon

Layunin ng Sesyon:

Upang maunawaan kung gaano kahalaga na malinaw ang mga papel at mga ekspektaksyon sa anumang relasyon.

Connect

Magbahagi ng isang karanasan kung saan nabigo ng isang tao ang iyong ekspektasyon.

Affirm

ANG SALITA

1. Ano ang mga papel at ekspektasyon?
Ang mga papel at ekspektasyon ay kailangan sa anumang relasyon. Sa katunayan, ito ang bumubuo sa isang relasyon. Maaaring hindi natin ito hayagang pinag-uusapan, opisyal na pinagkakasunduan, o kahit na hindi natin nababatid, ngunit tiyak na naroroon ang mga ito. Ito ang mga bagay na inaasahan mula sa bawat partido sa isang relasyon.

 

2. Mahahalagang katotohanan tungkol sa mga papel at ekspektasyon

a. Ang mga papel at ekspektasyon ay nag-iiba sa bawat relasyon
May mga relasyon na walang malinaw na listahan ng mga papel at ekspektasyon ngunit mayroon lamang karaniwang kamalayan ng mabuting pakikipagkapwa, tulad ng relasyon ng magkakaibigan. Hindi nila pinag-uusapan kung kailan sila dapat maging magkaibigan at wala ring listahan ng kanilang mga inaasahan. Pero maliban dito, karamihan sa mga relasyon ay kailangang may malinaw na mga ekpektasyon.

Nakatutuwa ring pansinin na kahit sa relasyon ng mag-asawa ay maaaring iba-iba ang mga papel at ekspektasyon.

b. Ang mga ekspektasyon ay hindi pangunahing bahagi ng isang relasyon
Maraming relasyon na malayo sa pagkakaroon ng malinaw na listahan ng mga ekpektasyon, ngunit masaya at kuntento pa rin. Ito ay dahil natutugunan ang pangunahing mga sangkap ng isang relasyon.

c. Pinipigilan nito ang alitan
Isa sa mga pinag-aawayan sa mga relasyon, personal man o may kaugnayan sa trabaho, ay ang katuparan ng mga papel at ekspektasyon na ito. Ito ay totoo lalo na kapag ang relasyon ay nangangailangan ng napakaraming gawain at responsibilidad tulad ng pag-aasawa.

Maraming mag-asawa ang nag-aaway kung sino ang dapat magtapon ng basura, maghugas ng pinggan at maglinis ng dumi ng sanggol. Maraming bata ang nagrerebelde laban sa mga magulang na kanilang tingin ay dominante. Nagagalit ang mga asawang babae kapag hindi naaalala ng kanilang mga asawang lalaki ang kanilang anibersaryo. Lahat ng mga alitang ito ay may kinalaman sa mga papel at mga ekspektasyon.

 

3. Paano natin ipinapahayag ang mga papel at ekspektasyon?

a. Maging makatwiran at patas
May mga ekspektasyon na hindi patas. Ang mga ito ay makasarili at sadyang hindi makatwiran. Gayunpaman, karamihan sa kanila ay maaaring pag-usapan.

b. Ipahayag ang mga ito nang malinaw
Maaaring may pagkakaiba ang mga mag-asawa sa pag-unawa sa kani-kanilang mga papel at tungkulin. Karaniwan, ang mga ideyang ito ay nagmumula sa kanilang sariling kinalakhan. Kapag ang kilos ng kanilang asawa ay iba sa kanilang inaasahan, ang tingin nila sa kanila ay iresponsable. Halimbawa, sa pamilya ng iyong asawang lalaki, ang babae ay nagtatrabaho habang ang lalaki ay nananatili sa bahay. Maaaring okay sa iyong asawang lalaki na hindi magtrabaho hanggang sa ikaw ay may trabaho, ngunit sa iyong paningin ito ay lubhang iresponsable. Kaya mahalaga na malinaw sa mga magkasintahan ang kanilang inaasahan bago ang kasal upang maiwasan ang alitan.

 

4. Mga Kristiyanong prinsipyo pagdating sa mga papel at ekspektasyon

a. Isipin ang mga tungkulin na dapat punan kaysa sa mga inaasahang makuha
Maraming relasyon ang may tendensiyang mabigo dahil ang mga partido ay mas nag-aalala sa kanilang makukuha kaysa sa kanilang maibibigay. Ang magandang relasyon ay hindi laro ng hilahang lubid. Ito ay parang sayaw kung saan alam ng mga partido kung kailan magbibigay at kailan tatanggap.

b. Ang paglilinaw ay dapat gawin nang may pagmamahal at respeto.
Ang isang relasyon na gumagana sa prinsipyo ng paghahabol at karapatan ay nakatadhanang mabigo. Nasa isang relasyon tayo dahil mahal natin ang isang tao. Kaya’t anumang ekspektasyon na ating ipapahayag ay dapat palaging makatwiran at patas.

 

ANG BUHAY

Isipin ang iyong mga kasalukuyang relasyon at ano ang mga papel at ekspektasyon sa iyo.

Respond

Tukuyin at isulat ang mga maling papel at ekspektasyon sa iyong mga relasyon, tulad ng sa iyong asawa, kaibigan, at iba pa. Paano mo sila gagawing tama?

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Exalt

SA PAMAMAGITAN NG AWIT

I’m Going to Live

There’ve been times when giving and loving brought pain
And I promise I would never let it happen again
But I found out that loving is well worth the risk
And that even in losing you win

I’m going to live the way he wants me to live
I’m going to give ’till there’s just no more to give
I’m going to love, love ’till there’s just no more love
But I could never, never out-love the Lord.

 

SA PAMAMAGITAN NG PANALANGIN

Manalangin sa Diyos na tulungan kang matukoy ang mga tamang papel na dapat mong gampanan sa lahat ng iyong relasyon. Hilingin na bigyan ka Niya ng puso para sa mga mahusay at tapat na mga relasyon.