03 | Pagmulat sa Tulong

Layunin ng Sesyon:

Upang maunawaan na kailangan nating aminin na tayo ay walang kapangyarihan sa ating sarili para makamtan ang kasiyahan sa buhay at kailangan nating lumapit kay Hesus para humingi ng tulong.

Connect

1. Magbahagi ng isang nakakatawang kuwento tungkol sa isang pagkakataon na ikaw ay may problema at kinailangang humingi ng tulong.

2. Ikuwento ang isang pagkakataon na sinubukan mong mag-simula sa iyong buhay – bagong trabaho, bagong relasyon, baguhin ang isang masamang gawi, o mas pagbutihin ang sarili – ngunit ikaw ay nabigo. Sa tingin mo, bakit hindi ito gumana?

Affirm

ANG SALITA

Basahin ang Lucas 15:14– 20. Ang bahaging ito ng kuwento ni Jesus ay nagpapakita kung paano nagpakumbaba ang anak at naghanap ng tulong na kailangan niya para makapagsimulang muli.

1. Nang malaman ng anak na kailangan niya ng tulong, sino ang naisip niya, at bakit?

2. Ano ang inaasahang reaksyon ng binatang lalaki mula sa kanyang ama? Ano ang tunay na naging reaksyon ng ama?

3. Ano ang itinuturo sa iyo ng reaksyon ng ama (kumakatawan sa Diyos) tungkol sa pagkakaroon ng tiwala na bumalik sa Diyos?

Hanggang aminin natin na wala tayong kapangyarihan na makahanap ng kasiyahan o katuparan sa buhay na ito, hindi natin mahahanap ang ating daan pabalik sa Diyos. Ngunit kapag naunawaan natin na kailangan natin ng tulong, nagsisilbi itong simula ng ating pag-uwi sa ating Ama sa langit. Kung katulad ka ng karaniwang tao, maraming beses mong susubukan na gawin ito sa iyong sarili sa mga darating na taon. Susubukan mong pasayahin at paglingkuran ang Diyos nang mag-isa —at hindi rin iyon gagana. Hindi natin ito magagawa sa ating sarili, at magandang malaman ito. Hayaan ang iyong pagmulat sa iyong pangangailangan ng tulong na hubugin ang iyong pagpapasya sa mga susunod na taon. Ang tulong ay may pangalan. Ang pangalan Niya ay Hesus. At hinding hindi ka Niya iiwan. Sa tuwing tatalikuran mo ang pagiging makasarili at ang iyong pagmamalaki, nariyan Siya para iligtas, palakasin, at gabayan ka sa iyong paglalakbay kasama Siya.

 

ANG BUHAY

1. Masasabi mo bang handa ka nang aminin na kailangan mo ng tulong upang baguhin ang iyong buhay. Bakit o bakit hindi?

2. Anong uri ng tugon ang inaasahan mong matanggap mula sa Diyos kung lalapit ka sa kanya at hilingin na tanggapin ka Niya?

Respond

Basahin ang sumusunod na mga talata mula sa Biblia at salungguhitan ang isa o higit pang mga linya na pinakamahalaga sa iyo.

“Sapagka’t gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya’y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagka’t hindi sinugo ng Dios ang Anak sa sanglibutan upang hatulan ang sanglibutan; kundi upang ang sanglibutan ay maligtas sa pamamagitan niya. Ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi hinahatulan; ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na, sapagka’t hindi siya sumampalataya sa pangalan ng bugtong na Anak ng Dios. At ito ang kahatulan, na naparito ang ilaw sa sanglibutan, at inibig pa ng mga tao ang kadiliman kay sa ilaw; sapagka’t masasama ang kanilang mga gawa. Sapagka’t ang bawa’t isa na gumagawa ng masama ay napopoot sa ilaw, at hindi lumalapit sa ilaw, upang huwag masaway ang kaniyang mga gawa. Datapuwa’t ang gumagawa ng katotohanan ay lumalapit sa ilaw, upang mahayag na ang kaniyang mga gawa ay ginawa sa Dios.” – Juan 3:16-21.

Panahon na upang maunawaan mong kailangan mo ng tulog upang makaalis sa siklo ng paghahangad, pagkadismaya, at pagsisisi. Wala kang sapat na lakas ng loob upang baguhin ang iyong sarili. Sa halip, dapat kang sumuko sa Kanya na nagnanais ng higit pa para sa iyong buhay kaysa sa iyong naiisip. Ang tulong ay may pangalan — Hesus.

Sabihin na gusto mong muling italaga ang iyong buhay sa Kanya at hilingin na tulungan kang muling maglakbay na kasama Siya.

______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Exalt

SA PAMAMAGITAN NG AWIT

He’s Able

He’s able, He’s able; I know He’s able
I know my lord is able to carry me through (repeat 2x)
He heals the broken hearted and sets the captive’s free
He makes the lame to walk again and causes the blind to see
That’s why, He’s able, He’s able; I know He’s able
I know my Lord is able to carry me through

 

SA PAMAMAGITAN NG PANALANGIN

Ipanalangin ito:
Diyos, kung Ikaw ay totoo, gawin Mong totoo ang Iyong sarili sa akin
Pukawin Mo sa akin ang kagustuhang
lumapit sa Iyo para sa tulong.

Habang patuloy kang nananalangin, ibahagi mo sa Diyos ang iyong hangarin na kalimutan ang iyong mga pagkakamali sa nakaraan at magsimula ng bagong buhay kasama Siya.