03 | Kahalagahan ng mga Relasyon

Layunin ng Sesyon:

Para matutunang pahalagahan ang mga relasyon sa pamamagitan ng pag-unawa sa kahalagahan nito sa personal na pag-unlad at espirituwal na buhay.

Connect

Maliban sa iyong mga kapamilya, sino ang pinakamalapit na tao sa iyo at bakit? Ibahagi ito sa grupo.

Affirm

ANG SALITA

Alamin kung ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa mga relasyon ng tao. Pag-aralan ang mga pasaheng ibinigay at isulat ang iyong natuklasan sa mga puwang.

1. At sinabi ng Panginoong Dios, ‘Hindi mabuti na ang lalake ay mag-isa; siya’y ilalalang ko ng isang katulong niya.’ — Genesis 2:18

Ang mga tao ay ____________________________________________________________.
“Hindi mabuti na ang lalake ay mag-isa.” Tumutukoy ito hindi lamang kay Adan, kundi sa buong sangkatauhan din. Kailangan natin ang isa’t isa. Ang mga relasyon ay kinakailangan para sa mga sumusunod na dahilan:

a. Upang pagtibayin ang ating halaga bilang mga tao.

“Ito ay isang ganap na katiyakan na walang sinuman ang makakaalam ng kanyang sariling kagandahan o mauunawaan ang kanyang halaga hanggang sa ito ay maipakita pabalik sa kanya ng isang mapagmahal at nagmamalasakit na tao.” – John Powell

Ang ibang tao ay mga salamin kung saan nakikita natin ang ating sarili. Kung ang tingin nila sa’tin ay walang halaga, mararamdaman rin nating tayo ay walang halaga. Kung ang tingin nila sa’tin ay kaibig-ibig, magugustuhan natin ang ating sarili. Ang ating pag-unawa sa ating sarili ay karaniwang nakasalalay sa kung paano tayo nakikita ng iba, lalo na ng mga taong hinahangaan natin at ng mga taong malapit sa atin.

b. Upang tumulong at komplimentuhin tayo

“At kung ang isang tao ay manaig laban sa kaniya na nagiisa, ang dalawa ay makalalaban sa kaniya; at ang panaling tatlong ikid ay hindi napapatid na madali.” – Mangangaral 4:12

Ang napakaraming mga gawain at tungkulin na maaari lamang gawin sa pamamagitan ng pagtutulungan ay nagpapaunawa sa atin na walang taong tunay na kumpleto sa kanyang sarili. Palagi tayong mangangailangan ng ibang tao. Kahit na ang mga bagay na sa tingin natin ay kaya nating gawin nang mag-isa, mas maganda pa rin kung mayroon tayong kasamang tutulong sa atin.

c. Para paunlarin at patatagin tayo

“Ang Diyos ay nagmamahal at nagpapagaling ng mga tao sa pamamagitan ng ibang mga tao, sa loob ng malalapit na personal na mga relasyon.” — Donald Williamson

Bagama’t ang mga relasyon ay nagbibigay sa atin ng karamihan sa ating mga kagalakan, hindi maikakailang ito rin ang pinagmumulan ng marami sa ating mga pasakit. Dahil dito, marami ang mas gustong isolahin ang kanilang sarili mula sa iba. Ngunit dapat nating maintindihan na ang ibang tao ay hindi lamang naririyan upang gawing mas madali ang ating buhay. Ang kanilang presensya ay may layunin ding magpabuti ng ating pagkatao.

Sinasabi na ang mga babaeng hindi nag-aasawa ay kadalasang nagiging mairap. Maaaring ito ay dahil wala silang asawa at mga anak na susubok ng kanilang pasensya at magpapaunlad ng mga katangian ng isang ina. Paano tayo matututong umibig kung walang sinuman sa ating buhay na pwedeng mahalin? Paano tayo matututong umintindi at magpatawad kung walang maaaring makasakit sa atin?

2. “Inuubos nila ang kabuhayan ng mga biyuda, at ginagamit ang kanilang mahahabang dasal bilang pakitang-tao. Dahil diyan, lalo pang bibigat ang parusa sa kanila.” — Lucas 20:47

Tayo ay may panangutan _____________________________________________________.
Marami ang hindi nakakaalam ng espirituwal na dimensyon ng kanilang relasyon sa iba. May espesyal na interes ang Diyos sa kung paano natin trinatrato ang ating mga kapwa dahil Siya ang lumikha at nagmamay-ari sa kanila. Anumang pang-aabuso o pagkakasala na ating magawa kahit sa pinakamababa sa ating kapwa ay isang pagsuway sa Diyos.

“Kapag nakikitungo tayo sa ibang tao, nakikitungo din tayo sa Diyos na kanilang Tagapaglikha.” – Anonymous

3. “At sasagot din sila, ‘Panginoon, kailan po namin kayo nakitang nagutom, nauhaw, walang matuluyan, hubad, may sakit, o nasa bilangguan, na hindi namin kayo tinulungan? At sasabihin sa kanila ng Hari, ‘Tandaan ninyo, nang pagkaitan ninyo ng tulong ang isa sa pinakahamak sa mga ito, ako ang inyong pinagkaitan.’ – Mateo 25: 44-45

Nakikita ng Diyos ang ating mga gawa ________________________________________.
Iniisip ng ibang mga Kristiyano na mas maganda kung si Kristo ay pisikal na naririto ngayon tulad noong panahon ng mga alagad upang maibuhos natin sa Kanya ang ating pagmamahal at pasasalamat. Ngunit ang katotohanan ay kahit na Siya ay pisikal na wala ngayon, maaari nating ipahayag ang ating pagmamahal sa Kanya. Sinabi ni Cristo na anumang ating ginagawa sa pinakamababa sa ating mga kapatid dito sa lupa, ay ginagawa natin sa Kanya.

Ang ating pag-ibig sa Diyos ay nasusukat sa pamamagitan ng pagmamahal na mayroon tayo sa mga pinakahamak. Ang pagsabi nating mahal natin ang Diyos ay mananatiling mga salita lamang hangga’t hindi natin natututunang mahalin ang ating kapwa. Hindi natin maaaring mahalin ang Diyos at hindi isama ang ating kapatid.

Sa CARE Group, ang mga tao ay sinanay upang makita ang espirituwal na dimensyon ng kanilang mga relasyon. Sila ay hinihikayat na pahalagahan ang mga relasyong ito at tingnan ang mga ito bilang mga pagkakataon hindi lamang upang paunlarin ang sarili kundi para ibahagi din si Kristo sa kanila.

 

ANG BUHAY

Matapat na suriin ang iyong sarili sa mga sumusunod na relasyon:

                                                                  Mahina            Katamtaman            Mabuti               Napakabuti              Mahusay

1. Bilang anak                                        __________            __________              __________               __________                __________
2. Bilang kapatid                                   __________            __________              __________               __________                __________
3. Bilang magulang                               _________             __________              __________               __________                __________
4. Bilang asawa                                     __________            __________              __________               __________                __________
5. Bilang kaanib sa simbahan            __________            __________              __________               __________                __________
6. Bilang kapitbahay                            __________            __________              __________               __________                __________
7. Bilang katrabaho                             __________            __________              __________               __________                __________

 

Ibahagi sa grupo kung saan mo binigyan ang iyong sarili ng pinakamataas at pinakamababang marka.

Respond

Isulat ang aksyon na iyong gagawin upang mapabuti ang bilang kung saan ka pinakamahina.

Kahinaan: ________________________________________________________________________________________________________

Resolusyon: ______________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________________

Exalt

SA PAMAMAGITAN NG AWIT

Family of God

I’m so glad I’m a part of the Family of God,
I’ve been washed in the fountain, cleansed by His blood!
Joint heirs with Jesus as we travel this sod,
For I’m part of the family,
The Family of God

You will notice we say “brother and sister” ’round here,
It’s because we’re a family and these are so near;
When one has a heartache, we all share the tears,
And rejoice in each victory in this family so dear.

I’m so glad I’m a part of the Family of God,
I’ve been washed in the fountain, cleansed by His blood!
Joint heirs with Jesus as we travel this sod,
For I’m part of the family,
The Family of God

 

SA PAMAMAGITAN NG PANALANGIN

Ipagdasal na maunawaan ng mga miyembro ng iyong grupo ang kahalagahan ng kanilang mga relasyon, at na makita nila ang mga tao sa kanilang buhay bilang mga biyayang mahalaga sa kanilang espiritwal na paglago. Isama din ang resolusyon ng bawat miyembro at iba pang kahilingan sa panalangin.