02 | Pagmulat sa Pagsisisi

Layunin ng Sesyon:

Upang mapagtanto na hindi natin kailangang sayangin ang pagsisisi sa higit pang pagkondena sa sarili ngunit maaari nating hayaan ito na ituro tayo patungo sa direksyon ng Diyos.

Connect

1. Maglarawan ng (a) isang kasuotan na nahihiya kang aminin na dati mong isinusuot, (b) isang salitang kanto na hindi mo matanggap na dati mong sinasabi, o (c) isang mang-aawit na ikina-mamangha mong dati mong iniidolo.

2. Kapag iniisip mo ang mga mahahalagang desisyon na ginawa mo sa buhay mo, ano ang ilan sa mga pinakamalalaking pagsisisi mo? Paano nakakadagdag ang mga pagkakamaling ito sa iyong pakiramdam na ika’y malayo sa Diyos minsan?

Affirm

ANG SALITA

Basahin ang Lucas 15:11-19, na nagpapakita kung paanong ang mga desisyon ng anak ay nagdala sa kanya sa isang lugar na malayo sa kanyang hinahangad.

1. Ano sa palagay mo ang mga pinagsisisihan ng anak noong siya ay nag-iisa at kinailangang pasukin ang pinakamababang uri ng trabaho para lamang mabuhay?

2. Paano siya nahikayat ng kanyang mga pagsisisi na subukang magsimula muli sa kanyang buhay?

3. Nang magdesisyon siyang umuwi, anong nagbago sa kanyang mga hangarin mula noong humingi siya ng mana sa kanyang ama?

Kapag sinikap nating punan ang ating mga hangarin para sa pag-ibig, layunin at kahulugan ng buhay sa ating sarili, paulit-ulit tayong mabibigo. Ang panghihinayang na nadarama natin sa pagtahak sa sarili nating ruta ay maaaring humantong sa higit na paghahangad at panghihinayang (isang siklo na hindi natatakasan ng maraming tao) o mag-udyok sa atin na humingi ng tulong mula sa Kanya na higit na makakatulong sa atin. Hindi kailangang masayang ang iyong tapat na pagsisisi sa higit pang pagkondena sa sarili. Hayaan mong ikilos ka nito patungo sa Diyos na may kumpiyansa. Bakit? Dahil ngayon alam mo na ang katotohanan, at maaari mo itong gamitin sa iyong buhay nang paulit-ulit sa mga darating na taon: sa Diyos, maaari tayong magsimulang muli.

 

ANG BUHAY

1. Minsan ba’y naramdaman mong di ka makaalis sa siklo ng paghahangad, pagkadismaya, at pagsisisi? Kung oo, ilarawan kung ano ang nangyari.

2. Paano mo gustong magsimula muli sa iyong buhay? Sa tingin mo, paano mag-iiba ang iyong buhay kung magagawa mo ito?

3. Nararamdaman mo ba na handa ka na ngayon para sa pagbabagong maglalapit sa iyo sa Diyos? Kung oo, ano ang susunod mong hakbang? Kung hindi, ano ang pumipigil sa iyo?

Respond

Basahin ang sumusunod na mga talata mula sa Biblia at salungguhitan ang isa o higit pang mga linya na pinakamahalaga sa iyo.

“Ganito ang sabi ng Panginoon, na gumagawa ng daan sa dagat, ng landas sa mga malawak na tubig; Na pinalabas ang karo at kabayo, ang hukbo at ang kapangyarihan (sila’y nangahihigang magkakasama, sila’y hindi na magsisibangon; sila’y nangamamatay na parang timsim): Huwag ninyong alalahanin ang mga dating bagay, o bulayin man ang mga bagay ng una. Narito, ako’y gagawa ng bagong bagay; ngayon yao’y lalabas; hindi baga ninyo malalaman yaon? gagawa rin ako ng daan sa lupang masukal, at mga ilog sa ilang. Pararangalan ako ng mga hayop sa parang, ng mga chakal at ng mga avestruz: sapagka’t ako’y nagbibigay ng tubig sa lupaing masukal, at ng mga ilog sa ilang, upang painumin ang aking bayan, na aking pinili. Ang bayan, na aking inanyuan para sa aking sarili, upang kanilang maihayag ang aking kapurihan.” – Isaias 43:16–21

Gaano man karaming mga pagkabigo ang naranasan mo, maaari kang magsimulang muli. Kailangan mong tumanggi sa siklo ng paghahangad, pagkadismaya, at panghihinayang. Sa abot ng iyong makakaya, tukuyin kung papaano mo kinakailangan ng bagong simula sa iyong buhay sa pamamagitan ng pagsulat nito sa patlang.

Kailangan kong magsimula ulit sa aking buhay sa pamamagitan ng:

______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Exalt

SA PAMAMAGITAN NG AWIT

Thank You Lord

Some thank the Lord for friends and home
For mercies sure and sweet
But I would praise Him for His grace
In prayer I would repeat

Thank You Lord for saving my soul
Thank You Lord for making me whole
Thank You Lord for giving to me
Thy great salvation so rich and free

 

SA PAMAMAGITAN NG PANALANGIN

Ipanalangin ito:
Diyos, kung Ikaw ay totoo, gawin Mong totoo ang Iyong sarili sa akin
Pukawin Mo sa akin ang posibilidad

na sa Iyo ay maaari akong magsimula ulit.

Pagkatapos ay ipagpatuloy ang pagdadasal sa Diyos tungkol sa pangangailangan mong magsimula muli kasama Siya.

Â