01 | Pagmulat sa Pagmimithi

Layunin ng Sesyon:

Upang matuklasan na ang ating mga minimithi ay mula sa Diyos at na kapag pinahintulutan natin ang mga hangaring ito na dalhin tayo sa Kanya, Siya ang magtutupad sa mga ito.

Connect

1. Ano ang isang suwail na gawain na iyong ginawa noong ikaw ay mas bata pa na ngayon ay napagtanto mong kamangmangan? (Ito ay hindi kailangang maging masyadong nakakahiya.)

2. Naramdaman mo na ba na parang “nawala” mo ang Diyos sa iyong buhay sa paglipas ng panahon (o baka hindi mo talaga siya natagpuan mula umpisa pa lang)? Kung gayon, ilarawan ang pakiramdaman ng pagkakahiwalay sa Kanya at kung bakit patuloy kang nagnanais na mahanap Siya.

3. Ano ang pinaka-minimithi mo? Sa ibang salita, kapag naiisip mo ang isang bagay na gusto mong makuha o isang bagay na nais mong maintindihan, ano ito?

Affirm

ANG SALITA

Basahin ang Lucas 15:11– 32, ang kuwento ng nawalang anak na siyang pagtutuunan natin ng pansin sa kabuuan ng pag-aaral na ito.

1. Sino sa palagay mo ang kinakatawan ng tatlong pangunahing tauhan sa kuwento — ang ama at ang dalawang anak na lalaki?

2. Nang magpasya ang nakababatang anak na hingin ang kanyang mana at umalis sa bahay, ano sa palagay mo ang kanyang hinahanap?

Lahat tayo ay gustong magmahal at mahalin pabalik, makahanap ng layunin para sa araw-araw, at bigyang kahulugan ang buhay kapag minsan ay tila walang itong kabuluhan. Ang hangaring iyon ay mula sa Diyos, at kapag pinahintulutan mo ang mga ito na higit kang ilapit sa Kanya, tutuparin Niya ang iyong mga hinahangad. Mas alam ng Diyos ang iyong mga pangangailangan at hangarin kaysa sa iyo at mayroon Siyang inilatag na buhay na makahulugan para sa iyo. Ang “higit pa” na kailangan mo ay matatagpuan lamang kapag patuloy mong ibinabalik ang iyong buhay sa iyong Ama. Hayaang ang iyong paghahangad ng higit pa ang maglapit sa iyo sa Kanya sa halip na itulak ka palayo.

 

ANG BUHAY

1. Sinasabi sa librong Paghahanap ng Iyong Daan Pabalik sa Diyos na lahat tayo ay nakakaramdam na “dapat may higit pa” sa buhay. Sa partikular, mayroong tatlong bahagi ng buhay kung saan lahat tayo ay may tampat na mga hangarin: (a) makahanap ng pag-ibig, (b) mahanap ang ating layunin sa buhay, at (c) mahanap ang kahulugan ng mga hirap at pagsubok. Ilarawan ang isang paraan kung saan mayroon kang hangarin o pagnanais sa isa sa mga ito.

2. Naranasan mo na bang matupad ang isa sa mga pinakaninanais mo ngunit natuklasan mong hindi ito sapat – naiwan kang hindi kuntento at nagnanais ng higit pa.

3. Sa paanong paraan ka itinutulak papalayo sa Diyos ng iyong mga pagkadismaya o hangarin? Paano sila nag-uudyok sa iyo na hanapin Siya?

Respond

Basahin ang sumusunod na mga talata mula sa Biblia at salungguhitan ang isa o higit pang mga linya na pinakamahalaga sa iyo.

“Kung paanong humihingal ang usa sa pagkauhaw sa tubig ng mga batis, gayon humihingal ang aking kaluluwa sa pagkasabik sa iyo, Oh Dios. Kinauuhawan ng aking kaluluwa ang Dios, ang buhay na Dios: kailan ako paririto, at haharap sa Dios? Ang aking mga luha ay naging aking pagkain araw at gabi, Habang kanilang sinasabing lagi sa akin, saan nandoon ang iyong Dios? Ang mga bagay na ito ay aking naaalaala, at nanglulumo ang aking kaluluwa sa loob ko, kung paanong ako’y nagpatuloy sa karamihan, at pinatnubayan ko sila sa bahay ng Dios, na may tinig ng kagalakan at pagpupuri, na isang karamihan na nagdidiwang ng kapistahan. Bakit ka nanglulumo, Oh kaluluwa ko? At bakit ka nababagabag sa loob ko? Umasa ka sa Dios: sapagka’t pupuri pa ako sa kaniya dahil sa kagalingan ng kaniyang mukha.– Mga Awit 42:1– 5

Sa susunod na pagkakataon na ikaw ay makaramdam ng lungkot o pagkadismaya sa mga kakulangan na ito sa iyong buhay, gamitin mo ito bilang paalala na manalangin sa Diyos. Isulat kung ano ang gusto mong sabihin sa Diyos kapag nakakaramdam ka ng kawalan ng kuntento.

______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Exalt

SA PAMAMAGITAN NG AWIT

As the Deer

As the deer panteth for the water
So my soul longeth after Thee
You alone are my heart’s desire
And I long to worship Thee

You alone are my strength, my shield
To You alone may my spirit yield
You alone are my heart’s desire
And I long to worship Thee

 

SA PAMAMAGITAN NG PANALANGIN

Ipanalangin ito:
Diyos, kung Ikaw ay totoo, gawin Mong totoo ang Iyong sarili sa akin
Pukawin Mo sa akin ang kakayahang makita
na Ikaw ang kulang sa buhay ko.

Pagkatapos nito, ipanalangin mo sa Diyos sa iyong sariling mga salita ang nararamdaman mong ‘dapat may higit pa’.”